Wednesday 30 March 2011

Nagtown ako Kanina. ..

Nag-town ako kanina...Summer na talaga.  Mainit kaya nagpalipat-lipat  ako ng jeep. .. Dreamland, ..Trancoville, ..tapos Bakakeng. Lahat yo'n para lang makuha yung grades ko.Sa kalagitnaan ng biyahe nalaman kong wala naman pala kong dapat puntahan sa Bakakeng. Nakakaasar, buti nalang kahit maalinsangan ang panahon nakaka-relax pa din makita mga puno do'n. Nakakatawa. Sayang yung oras. Bumaba ako sa Holy Family Church at nagpalipat-lipat nanaman ako ng jeep. ..Bakakeng... tapos Aurora Hill para lang makarating ng SLU-main. Pag-akyat ko ng CCA ang haba ng pila, nakakaubos ng bait.  Mas gumulo ngayon yung sistema kaysa sa dati, no' ng sa dungeon pa kinukuha.  Buti nalang medyo marami din akong kakilala sa pila at kahit papaano mabilis naman  naibibigay nila Sir A. yung  mga grades.Matapos ang pagbibilad ng konti sa araw ...sa wakas, nakuha ko din grades ko !! At hindi kami INC sa Research! Hahahapiness! Pagkatapos n'on nagkita kami ni Mike tumambay kami sa dating tambayan---sa Caltex. Uminom lang kami ng Coke at Tropicana, nag-usap saglit tungkol sa enrolment  tapos,  dahil pagod na rin ako 'di ko na siya sinamahan sa lakad niya. Umuwi na ko.

Ang igsi ng araw na to grabe!

No comments:

Post a Comment